top of page

 Ang Barangay San Isidro, Taytay, Rizal

                                                      Kasaysayan (Noon at Ngayon)

 

I.  Panimula:

                    Ang Barangay San Isidro ay waring napaloob sa isang panalangin "Bukod kang Pinagpala"; mula sa kasarian hanggang sa

kaganapan ng lahat ng pangarap at Lungati ng bawat uri ng mamamayan.

 

II. Pangalan:

                    Hinayo sa pangalan ng "Patron" ng mga magsasaka at manggawa na si "SAN ISIDRO LABRADOR"

                    Marami sa mga mamamayan ng San Isidro ay mga magsasaka at nasa yaring manggagawa kaya sa patron na ito ipina-

tungkol ang pangalan ng kanilang pinaninirahan.  Bigyan pansin na ang mga Taga-Taytay ay totoong malapitin sa DIOS kaya nga ang

kabayanan ay hinati lamang sa apat na malalaking barangay at pawing ipinangalan sa kani-kanilang Patron.  Barangay San Juan,

Barangay Dolores, Barangay Sta. Ana at Barangay San isidro.

 

III. Kasarian:

                    Ang Barangay San Isidro noon ay binubuo ng kapatagan at bulubundukin.  Napapaligiran ng mga ilog, batis, sapa at mga

kanal na dinadaluyan ng malilinis na tubig na nagpapayaman sa lupain mula sa kapatagan hanggang sa bulubundukin.  Ang TUBIGAN at

BUKIRIN na dinadaluyan ng tubig ay nagbibigay din ng mga isda-dalag, hito, gurami, matinik, palos at mga suso.  Ang mga kagubatan ay

mayaan sa halos lahat ng uri ng punong kahoy-Manga, Duhat, Kasoy, Siniguelas, Santol, Mabolo, Atis, Anonas, Bignay, Bitungol etc.

BUNGANG BAGING gaya ng Hinlalagak Saging at Susong Kalabaw, Lamang ugat gaya ng Araro, tuge, Tungo at Lima-lima.  Ang TUMANA

(taniman) mula sa kapatagan hanggang sa bulubundukin ay waing isang bahagbahagdan (rice terraces) palayan na naaanihan din ng

Mais, Melon at Pakwan etc.  ang mga PILAPIL ay natataniman din ng sitaw, Pipino etc. Pangkaraniwan din ng lahat ng bahayan ay may

looban na matatamnan din ng gulayan Upo, Patola, Kalabasa, Kalamismis, Bitsuelas, Ube, Luya etc.  Pangkaraniwan din na ang mga 

bahayan na napapalibutan ng Camia, Gumamela, Kadena de Amor, Yellow Bell, Dama de Noche at Rosal.  Angmga bakod kahoy o 

kawaya ay sinisingitan din ng punong kakawate na siyang nagpapatibay at pumipigill ng pagguho ng lupa sa kanal.  Ang kagubatan din ay nagbibigay ng lahat ng uri ng kahoy na nagagamit sa pagawa ng bahay, kawayan buho, bukame at kugon na nagagamit sa paggawa ng 

bubong o atip at baging na ginagawang panali.

 

                    Ang kabayanan ng San Isidro ay nahahayanan ng naglalakihan bahay na nasa desenyong kastila-Amerikano na mababakas

pa hanggang ngayon sa ilang natitira pa.  Ang kalye ay maluwang at aspaltado.  Ito ang waring naging Sentro ng Civilization mula sa

bayan ng Jala-jala pababa, Teresa, Antipolo, Cainta, Nakahanay ang mga resturant, Pancitan ng Intsik, botica, tailoring, hardware, lumber

Caltex, may sinehan din na siyang dinadayo ng mga taga-ibang bayan.  Marami ang Shoe-shine Boys, Pinballs, Juke-box at Jackpot.

 

                    Ang lahat ng itoy nagpapakita ng kariwasaan at magaan na pamumuhay na naka-akit sa maraming dayuhan na tumira dito.  Ang lahat ng mamamayan ay may hanap-buhay.  Halos bawat sambayanan ay may napagtapos ng pag-aaral, Doctor, Abogado,

inhenyero, arkitekto, pharmasist, teachers, surveyors, accountant etc. marami rin ang empleyado at empleyada marami sa kalalakihan

ay nasa woodwork.  Ang mga kababaihan ay nasa pagmamanufacture ng Ready Made Dresses at mananahi.  Ang mga kabataan ay nasa

paglilinis ng "capiz" at paglalala ng bintana, nasa pagtitinda ng dyaryo, magazine, bitso-bitso at ice-drop, marami rin sa kalalakihan at

kababaihan ang nasa LINYA NG TELE(TEXTILE), lahat halos ay may tindahan sa Divisoria, Central, Blumentritt, Quiapo at sila ay may gawa rin sa Baclaran.  Kahanay na rin dito ang mga nagtitinda sa Siniloan, Laguna, Tanay, Antipolo pag mayo at araw ng linggo, etc.

 

Description:

                            a)  Kapatagan - Kabahayan at taniman ng palay; b) Bulubundukin paakyat papunta sa sierra, Gregoria heights,

Sunrise hills, Admiral Subd., Palmera I, II, III, Monaco, Pinesville, Cielito Homes, Ortigas Hgts., Simona subd., Pamcor, National singer, St. Anthony Subd., Baltao,; c) Ilog-Batis - mula antipolo, Taytay, ikot sa Cainta, balik sa Taytay (ricarte-Taytay river).; d) Sapa - marami

talaga mula taas hanggang pababa.

 

 

 

bottom of page